Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH

KA-SCI-SAYAN: Ang Ugnayan ng Kapaligiran, Agham at Kasaysayan

HomeKA-SCI-SAYANJul 5, 2009

Sa mahigit dalawampung taon nitong pag-iral, maigting na itinataguyod ng UP Lipunang Pangkasaysayan ang layunin nito ng isang kritikal at mas makabuluhang pag-aaral at kasaysayan. Bilang pagpapatunay sa adhikaing ito, taun-taong nagdadaos ang UP LIKAS ng kumperensiya para sa mga mag-aaral na may hilig at interes sa kasaysayan.
Sa taong ito, inihahandog ng U.P. Lipunang Pangksaysayan ang ika-18 nitong Pambansang Kumperensiya na pinamagatang “KA-SCI-SAYAN: Ang Ugnayan ng Kapaligiran, Agham at Kasaysayan. Layunin ng kumperensiyang ito na suriin ang ugnayan ang ugnayan ng Kasaysayan at Agham sa pag-aaral ng Kalikasan, ilahad ang mga kontribusyon ng agham sa pag-aaral ng kapaligiran at mas malalim na pag-unawa sa Kasaysayan at alamin ang ambag ng pag-aaral sa kalikasan sa tulong ng agham sa pagsasakasaysayan ng kapaligiran. Idinaos ng U.P. LIKAS sa pakikipagtulungan ng iba't iba nitong mga katuwang na samahan ang KA-SCI-SAYAN sa ika-17 at 18 ng Agosto, 2009 mula 8:00 NU hanggang 5:00 NH sa UP NISMED Auditorium, Unibersidad ng Pilipinas Diliman.
Para sa mga kaugnay na katanungan maari niyo pong kontakin si G. Aaron Abel Mallari (09272926398) o si G. Darwin Masacupan (09274232867).

Mga Tagapagsalita:
Dr. Ma. Mercedes Planta
G. Rolando Pena
Dr. Darlene Occena-Gutierrez
Bb. Agnes de Jesus
Prop. Trina Isorena
Dr. Dante Ambrosio
Dr. Ma. Bernadette Abrera
Prop. Florina Orillos-Juan
Dr. Ma. Luisa de Leon-Bolinao
Dr. Rowena Reyes-Boquiren

Nagpapasalamat ang U.P. LIKAS sa mga sumusunod na katuwang na samahan at organisasyon na sumuporta sa Pambansang Kumperensiya:

Office for Intiatives in Culture and the Arts (OICA)
National Historical Institute (NHI)
Office of the U.P. Diliman Chancellor
U.P. Departamento ng Kasaysayan
Office of the U.P. President
Commission on Higher Education (CHED)
Department of Education
LYFER Plumbing and Fire Protection Services
Linangan Consultancy and Educational Tours
Office of Makati Mayor Jejomar Binay
FILSTAR Distributors Corporation
Orange Segment Print and Design Studio
CSSP Student Council
MADE M Printing Services, Inc.
Turista Shop Marketing
.
Photo AlbumLARAWANAug 4, 2009
ddd
dThumbnaild
ddd
ched endorsement
1 Photo
ddd
dThumbnaild
ddd
KASCISAYAN LOGO
1 Photo
ddd
dThumbnaild
ddd
KA-SCI-SAYAN Poster
1 Photo, 1 comment

   View All
..
ReviewMga RebyuAug 30, 2009
ThumbnailAng pinakabagong aklat ng UP LIKAS.

Para sa mga nais bumili, maaari niyong kontakin sina G. Aaron Abel T. Mallari (09272926398) at Bb. Hannalee H. Hernando (09178809522)

Paunang Pananalita

Nakatutuwang malaman na ang isang proyektong... more
   View All
....
.
.
Blog EntryLATHALAING KA-SCI-SAYANAug 30, 2009
MGA TUNGUHIN NG PAG-AARAL SA UGNAYAN NG KASAYSAYAN, AGHAM, AT KAPALIGIRAN SA PANANALIKSIK, PAGSUSULAT AT PAGHTUTURO NG KASAYSAYAN Rowena Reyes-Boquiren, Ph.D.           &... more
Previous blog entries:
Aug 30-KASAYSAYAN AT KLIMATOLOHIYA: GUTIERREZ AT LISTANCO
Aug 30-KASAYSAYAN AT ENERHIYA: DE JESUS
Aug 30-KASAYSAYAN AT KALAMIDAD: DE LEON-BOLINAO
   View All
.
NoteGuestbook
   
perpetuallylonely wrote on Jun 27, '10
san po makukuha ang ppt presentation?
kascisayan wrote on Aug 24, '09
Magandang gabi po. Ang pagpopost po namin ng mga powerpoint presentations ng mga tagapagsalita sa kumperensiya ay may kaukulang pahintulot po ng mga may-akda nito. Ang kanilang pagsang-ayon ay may kaukulang pag-iingat sa aming hanay sa kabilang banda. Hindi po namin ito basta ilalathala o ipapamahagai ng walang consent mula sa kanila, lalo na po sa inyong kahilingan na ito ay gawing sa tipong word format. Ipopost po agad namin ang mga slides as soon as ito ay maisend sa amin ng mga tagapagsalita. Maraming salamat po.
ruelisaiah wrote on Aug 24, '09
Pag hihingi kayo kay Mam di ba sya magagalit? Ganito n lng. . Ang gagawin ninyo na lang i-copy niyo ang slides sa Microsoft Office Word tsaka niyo i-paste. Para di-kayo mapagod. Ok, lng sa akin kung di-papayag si Mam Abrera na i-send or copy n lng yung slides niya . . Bastat importante may ipapasa ako sa titser ko. . . Maraming Salamat sa site na binigay ninyo sa akin!
kascisayan wrote on Aug 23, '09
Hindi pa po kasi naeemail sa amin ni Maam Abrera yung kanyang powerpoint kaya di pa po namin maaaring ipost. Yung kay Dr. Ambrosio po, ififilter po muna namin, masyado pa po kasing malaki at marami pa po masyadong slides.
ruelisaiah wrote on Aug 22, '09
Elow po. . . Pwede ho. .bng makahingi ng PPT Presentation nila Dr. Dante Ambrosio at Dr. Maria Bernadette Abrera? Kasi po kailangan namin sa Journal na pinapagawa sa amin, eh. .kailangan na namin yun please. . . Salamat po!
kascisayan wrote on Aug 19, '09
Nakapost na po ang PPT ni G. Pena sa PDF Form, antabayanan na lamang po ang site na ito, para sa iba pang mga Powerpoint. Salamat
kascisayan wrote on Aug 19, '09
Sandali lang po, dito po namin ipopost, pero coconvert po muna namin sa PDF format.
ekojen wrote on Aug 19, '09
hello! where can we get the powerpoint presentation during the 18th conference(ka-sci-sayan)? thanks
royporras wrote on Aug 19, '09
nasaan na po ung powerpoint? sbai niyo po ngayon niyo po ilalagay diba po?
raxie wrote on Aug 1, '09
GO LIKAS :D
gilito03 wrote on Aug 1, '09
Go LIKAS! :) Woot! Woot! :)
medea wrote on Aug 1, '09
good luck likas!! :)
clepsydra wrote on Aug 1, '09
Go LIKAS! =)
...